Pangasinan PNP, minomonitor parin ang mga sumukong drug personality

Binigyang diin ng Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) na mahigpit parin nilang minomonitor ang mga drug personality na buluntaryo nang sumuko sa mga otoridad.

Sinabi ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Officer for Operation ng PPPO, na hindi nangangahulugan na ang pag-surrender ang taong sangkot sa iligal na droga ay ligtas na sa monitoring ng pulisya.

Ayon pa kay Candelario, obligasyon ang mga drug surrenderies na mag-report sa mga LGU’S at Local PNP para dumalo sa ibat-ibang aktibidad na makakatulong sa kanilang kalusugan.

Dapat ay regular din na dumaan sa random drug testing ng mga sumukong drug pusher at drug user.

Nilinaw naman ni Candelario na kapag napatunayan na muling bumalik sa ilegal na gawain ng mga sumukong drug personality ay subject na ito sa police operation.

Speak Your Mind

*