Pangasinan, pumangalawa na sa may pinaka-mataas na kaso ng rabies sa bansa

Pumalo na sa pangalawang puwesto ang lalawigan ng Pangasinan sa may pinaka mataas na kaso ng rabies sa buong bansa ngayong taon.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Eric Perez, Provincial Veterenarian ng Pangasinan kung saan parehong mataas ang naitalang kaso ng rabies at namatay dahil sa rabies.

Batay sa tala ng Provincial Health Office (PHO), umabot na sa mahigit labin apat na libo ang kaso ng rabies ngayon taon kung saan labin anim na rito ang naitalang namatay.

Dahil dito, patuloy umano ang mga isinasagawang programa ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) upang mapababa ang naitalang kaso ng rabies kabilang na rito ang inilunsad na Search for Best Asong Pinoy (ASPIN) at Health Leaders’ Summit for Rabies Prevention and Control.

Tuloy-tuloy din ang umano ang isinasagawang free anti-rabies vaccination ng Provincial Health Office (PHO) katuwang ang Provincial Veterenary Office (PVET) sa mahigit 30,000 dog population sa probinsya.

Kabilang naman ang bayan ng Agno, Umingan at Binalunan sa rabies hot spot sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*