Paolo Ballesteros, excited na sa pagrampa sa Tokyo Intl Film Fest

Excited si Paolo Ballesteros sa pagrampa niya sa red carpet dahil nominado ang pelikula niyang Die Beautiful sa Tokyo International Film Festival.

Kuwento ni Direk Jun Lana, pitong looks ang ginawa ni Paolo sa pelikula kayat malamang na isa sa mga nagawa niya sa pelikula ang irarampa niya sa red carpet ng naturang international filmfest.

Ngunit ayon kay Paolo, pinag-iisipan pa niya kung sinong hollywood actress ang gagayahin niya.

Basta ang alam niya ay mangangabog siya sa red carpet pa lang.

Samantala, tatlong pelikula na may temang kabadingan ang magkakasunod na ipapalabas sa mga sinehan sa bansa

Ito ay ang Third Party  nina Sam Milby, Zanjoe Marudo at Angel Locsin, na susundan naman na Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend nina Dennis Trillo, Paolo Ballesteros at Anne Curtis at panghuli ang Die Beautiful na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros.

Speak Your Mind

*