Patay sa pagguho ng isang residential building sa China, umabot sa 22

Umabot na sa dalawampu’t dalawa ang kumpirmadong nasawi matapos mag-collapse ang isang residential building sa China.

Ayon sa ulat, apat na gusali na gawa pa noong 1970 ang nag-collapse.

Karamihan sa mga biktima ay mga migranteng nangungupahan.

Sa ngayon ay nasa anim katao na ang nakaligtas sa guho.

Nasa 800 rescuers ang nasa pinangyarihan ng aksidente at ipinagpapatuloy ang search operations doon.

Speak Your Mind

*