PDRRMO, nakatuon sa target na maging Disaster Resilient Province ang Pangasinan

Nakatuon ngayon ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa kapabilidad o paglinang sa kakayahan ng mga MDRRMO mula sa ibat-ibang munisipalidad at syudad sa Pangasinan.

Ito ayon kay Avenix Arenas, Training at Information Officer ng PDRRMO, ay upang maabot o makamit bilang Disaster Resilient Province ang Pangasinan.

Kabilang na umano rito ang patuloy na isinasagawang training, seminar at workshop ng mga MDRRMO sa Pangasinan.

Sinabi pa ni Arenas na malaking tulong din ang mga inilaang mga rescue equipment gaya ng rescue boat na magagamit sa mga lugar na nasa flood prone areas.

Nakapag-kabit narin na rin umano ang pdrrmo ng Geo-Cloud Project isang Geographic Information System (GIS) mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) na magagamit sa pakalap ng data at pagtukoy sa hazard map sa Pangasinan.

Ang tinig ni Avenix Arenas, Training at Information Officer ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Speak Your Mind

*