PENRO, nagpaalala sa mga may-ari ng lupa sa kanilang serbisyo ng pagpapa-titulo

Muling nagpaalala ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa mga may-ari ng lupa na tuloy-tuloy ang kanilang program sa pagbibigay ng serbisyo sa pagpapatitulo ng lupa.

Ito ang inihayag ni Wendy Co, PENRO Provincial Officer ng Pangasinan kung saan hanggang ngayon ay marami pa umano ang mga nalilinlang o naloloko ng mga fixer.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Co na maari lamang magtungo sa alinmang tanggapan ng Community Enviroment and Natural Resources Office (CENRO) sa pangasinan dahil hindi naman mahirap ang pag-proseso sa pagkuha ng titulo.

Nabatid ang serbisyo ng pagpapa-titulo sa residential at agricultural land owners ay sa ilalim ng programa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may Certificate of Land Title Award (CLOA) sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Speak Your Mind

*