Pitong oras na brownout, mararanasan sa ilang barangay sa San Carlos City

Pitong oras na kawalan ng suplay ng kuryente ang mararanasan sa ilang barangay sa lungsod ng San Carlos sa biyernes, ika-labing apat ngayon buwan ng Oktobre.

Epektibo simula alas-dyis ng umaga hanggang alas kuwatro ng hapon ang mararanasang brown out sa bahagi ng barangay Magtaking, Paitan-Panoypoy, Turac at Payapa Muelag sa lungsod ng San Carlos.

ayon kay Engr. Rodrigo Corpuz, General Manager ng Central Pangasinan Electric Cooperative o CENPELCO, ang dahilan ng nasabing power interruption ay upang bigyang daan ang pagsasa-ayos ng poste ng kuryente

Bahagi rin ng kawalan ng kuryente ang mga isinasagawang right of way clearing (row) o paglilinis sa mga linya ng kuryente upang mas mapaganda ang serbisyo ibinibigay ng CENPELCO kanilang mga consumers.

Speak Your Mind

*