Problema sa ilegal na droga, positibong matutugunan ng Dagupan City PNP

Buo ang kumpiyansa ng Dagupan City PNP na tuluyang mabawasan ang problema ng droga sa lungsod ng Dagupan kasabay sa karagdang anim na buwan na hiling ni Pangulong Duterte para sa kampanya kontra ilegal ng droga.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni P/Supt. Neil Miro, Hepe ng Dagupan City PNP na halimbawa na rito ang Sitio Aling sa Barangay Pantal, at Sitio Silungan sa Bonuan Binloc na maituturing nang Zero Drug Free Area.

Malaki na rin umano ang ipinagbago sa Sitio Tondalingan sa Bonuan Guest na umano’y ginagamit na bagsakan ng droga dahil sa mga residente na mismo ang ayaw sa iligal na droga at pag-alis ng ilang pamilya ng mga Muslim.

Tiwala naman si Miro na sa tulong ng pulisya, lokal na pamahalaan, miyembro ng mamahayag at kumunidad ay maaabot ang walumpo hanggang siyamnapung porsyentong masusulusyunan ang problema sa ilegal na droga sa Dagupan.

Ang tinig ni P/Supt. Neil Miro, Hepe ng Dagupan City Pnp sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*