Reformatory Center para sa mga drug surrenderies, itinayo sa San Carlos City

Malaki ang maitutulong sa ikatatagumpay ng programa kontra ilegal na droga ang itinayo na Reformatory Center sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan.

Ito ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Officer for Operation ng Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) ay dahil mas matututukan ang aktibidad na mga sumukong personalidad na sangkot sa ipinagbabawal ng droga.

Sinabi pa ni Candelario na mahalaga ang inisyatibo ang lokal na pamahalaan para matulungang magbago ang mga nasasangkot at gumagamit ng iligal na droga.

Nabatid na proyoridad sa nasabing Reformatory Center sa San Carlos ang mga sumukong drug personality na mula sa mahirap na pamilya kung saan sasailalim ang mga ito sa medical treatment at psychological counseling.

Speak Your Mind

*