Rehabilitation Center sa Camp Tito Abat, posibleng masimulan na

Malaki ang posibilidad na masimulan na gawing Rehabilitation Center ng mga sumukong drug personality ang Camp Tito Abat sa bayan ng Manaoag, Pangasinan.

Ito ang naging pahayag ni Governor Amado “Pogi” Espino III kung saan mayroon na umanong mga pasilidad na maaaring gamitin bilang rehabilitation center.

Malaki din umano ang maitutulong ng mga military personnel at mga reservist sa camp tito abat para mabantayan ang mga sumukong drug personality habang sila ay nasa rehabilitasyon.

Sinabi pa ni Gov. Espino na pinag-aaralan narin ang pagpapatayo ng rehabilitation center sa bayan ng Burgos, ngunit tinitingnan pa kung isasama rito ang mga minor de edad.

Sa ngayon, pumalo na sa mahigit labing anim nalibong ang mga sumusukong sangkot sa paggamit at pagtutulak ng ilegal na droga sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*