Remake ng Pangako Sa’yo, ipinalabas na sa Latin Amerika

Mapapanuod na sa Latin America ang remake ng pangako sa’yo na pinagbidahan ng real life sweetheart na sina Katrhyn Bernardo at Daniel Padilla o Kathniel.

Sa katunayan, umere na nga ang Pangako Sayo o La Promesa noong Setyemebre a-bente dos sa Peru.

Spanish-dubbed ang nasabing teleserye na ipalalabas ng leading TV Network sa Peru na Panamericana Television.

Pangalawa ang Pangako Sa’yo sa teleseryeng pinoy na ipinalabas sa nasabing bansa.

Speak Your Mind

*