Robin Padilla, nagpasalamat na buhay na nahuli si Mark Anthony Fernandez

Nagpapasalamat ang aktor na si Robin Padilla dahil buhay ang kaniyang pamangkin na si Mark Anthony Fernandez.

Sa post ni Robin sa kaniyang social media account, sinabi niyang nakahinga siya nang maluwag at nagpapasalamat sa diyos dahil buhay si Mark.

Aniya, hindi siya mapapatawad ng yumaong ama ni Mark na pinsang buo naman ni Robin na si Rudy Fernandez.

Nagpasalamat rin si Robin kay PNP Chief Ronald Dela Rosa at sa Angeles Police dahil sa aniya’y makataong paghuli kay Mark.

Nakakulong ngayon si Mark sa Station 6 ng Angeles City Police matapos na mahulihan ng isang kilong marijuana.

Speak Your Mind

*