Russia, planong gawing bagsakan ng mga gulay at saging ng Pilipinas

Binabalak ng Pilipinas na gawing pangunahing bagsakan ng mga produktong agrikultura, gaya ng gulay at saging, ang Russia.

Ginawa ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang naturang pahayag sa pagdinig ng Senate Finance Committee sa 2017 budget.

Sinabi pa ni Dominguez na nais palakasin at samantalahin ng administrasyong Duterte ang pagkakataon na mapagpadala ng mga produkto sa iba pang mga bansa maliban sa mga tradisyunal na trading partner.

Matatandaan na sa mga pahayag ni Duterte, nais niya na palakasin ang ugnayan ng bansa sa China at Russia.

Speak Your Mind

*