Sapat ng suplay ng karneng baboy at manok, tiniyak…, sibuyas, posibleng magkulang

Tiniyak ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at Abono Partylist na sapat ang suplay ng local  produce na mga agri-product sa North Cental Luzon gaya ng mga karneng baboy at manok.

Sinabi ni ABONO at Sinag Chairman Engr. Rosendo So, na walang magiging problema sa suplay ng mga karneng baboy at manok na sapat para sa demand ng merkado sa mga susunod na buwan.

Ngunit ayon kay So, malaki ang kakaharaping problema sa posibleng kakapusan sa suplay ng sibuyas matapos tamaan ng armyworms ang mga pananim na sibuyas sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Dahil dito, naniniwala si So na dapat payagan ang importasyon ng sibuyas upang mapunan ang kakulangan ng suplay ng sibuyas lalo na ngayong nagsisimula pa lang magtanim ang mga magsasaka.

Binigyang diin naman ni So ang kahalagahan ng sapat ng papeles at pagbabayad ng taripa sa importasyon upang bumalik ang kita nito sa mga magsasaka.

Speak Your Mind

*