Serbisyo para sa mga senior citizen at PWDS, tinututukan ng DOH Region 1  

Ibat-ibang serbisyo publiko para sa mga senior citizen, indigent families at persons with disabilities (PWDS) ang inilaang programa ngayon ng Department of Health (DOH) Regional Office 1

Ito ang inihayag ni Dra. Herminigilda Salangad, ng DOH Region 1, kabilang na umano rito ang prevention of blindness program kung saan ang mga senior citizen ay libreng maseserbisyuhan ng cataract extraction.

Sa pamamagitan naman aniya ng pagkuha ng medical certificate ng isang PWDS na isusumite sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay maaari na siyang bigyan ng PWD Card na magagamit nila sa ibat-ibang serbisyo.

Sinabi pa ni Salangad na ang PWD Card na ibinibigay sa mga taong may kapansanan ay halos kaparehas na ng senior citizen card na may dalawampung porsyentong discount sa mga bilihin.

Kasabay nito, patuloy rin na hinihikayat ng DOH ang publiko na magparehistro sa Philhealth dahil sa malaking benepisyo na makukuha rito.

Ang tinig ni Dra. Herminigilda Salangad, ng DOH Region 1, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*