Social Pensioner ng DSWD –Region 1, pumalo na sa mahigit 85,000

Umabot na sa mahigit walumpot limang libong mga senior citizens ang nabebenipisyuhan ng social pension program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD-Regional Office 1.

Ayon kay Irene Cubangbang, Information Officer ng DSWD-Region 1, regular na tumatanggal ng P1,500 kada tatlong buwan ang nasa 85,185 social pensioner sa buong rehiyong uno.

Kabilang naman umano sa maaaring maging benepisyaryo ng social pensioner ng DSWD ang mga lolo at lola na mayroong karamdaman at wala ng kakayahan para sa kanyang sarili.

Ang kailangan lang aniya para maging miyembro ng social pension ay ang rekomendasyon mula sa local government unit at tanggapan ng OSCA o Office of Senior Citizen Affair.

Nabatid na may nakalaang allotted numbers of beneficiaries ang bawat munisipalidad o syudad sa pagbibigay ng social pension base na rin sa kanilang poverty insident at bilang ng senior citizen sa lugar.

Speak Your Mind

*