Synchronized barangay assembly day ng dilg, isasagawa na sa darating na October 9

Pinaghahandaan na ng Department of Interior and Local Government o DILG ang isasagawang Synchronized Barangay Assembly Day sa darating ng October 09, 2016.

Ito ay sa ilalim ng ipinapatupad na batas na Republic Act 7160 o mas kilala sa tawag na Local Government Code (LGC) of 1991 kung saan require ang pagsasagawa ng Barangay Assembly dalawang beses sa isang taon.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Rhealiza Delos Santos, Local Government Operations Officers II (LGOO) ng DILG-Pangasinan na pagkakataon ito ng mga barangay official na ilahad sa kanilang kababayan ang kanilang mga programang nagawa.

Inaasahan din namang tatalakayin sa nasabing barangay assembly day ang ibat-ibang program ng dilg gaya ng Barangay Full Diclosure Policy (BFDP), MASA-MASID o Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga, UBAS o Ugnayan ng Barangay at Simbahan, peace and order, laws on social protection, solid waste management at disaster preparedness.

Samantala ang tema ngayong taon ng Barangay Assembly Day ay “Para sa Tunay na Pagbabago, mag-masid, makisali at makiisa sa isang maka-masang asembleya.

Speak Your Mind

*