Trump, nahaharap sa panibagong akusasyon ng sexual harassment

May panibagong babaeng lumutang at inakusahan si U.S Republican Candidate Donald Trump ng harassment.

Ayon sa 45-anyos na New-York Yoga Instructor na si Karena Virginia, hinarass siya ni Trump sa U.S Open Tennis Tournament noong 1998.

Kwento ni Virginia, 27-anyos pa lang siya noong hinarass siya ni Trump sa naturang tournament.

Si Virginia ang ikasampung babaeng lumutang at inakusahan si Trump ng sexual assault.

Wala pa namang plano si Virginia na magsampa ng kaso laban kay Trump ayon sa abogado nito.

Speak Your Mind

*