Trust ratings ni Duterte, bumaba ng tatlong puntos ayon sa SWS

Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang “excellent” trust rating bagaman bumaba ito ng tatlong puntos ayon na rin sa survey ng Social Weather Stations o SWS.

Nakuha ni Duterte ang positive 76 public trust rating, mas mababa ng tatlong puntos mula sa huling SWS survey na isinagawa noong hunyo 24 hanggang 27, bago ito manungkulan.

Isinagawa ang pinakahuling survey ng SWS noong Setyembre 24 hanggang 27 sa isanlibo’t dalawandaang respondents sa buong bansa.

Ayon sa survey, 83 percent ang nagsabing malaki ang tiwala nila sa pangulo, 9 percent ang undecided habang 8 percent ang nagsabing maliit ang tiwala kay Duterte.

Speak Your Mind

*