Unemployment rate sa Pangasinan, bumaba na ngayong taon

Inihayag ng Department of Labor and Employment o DOLE na bumaba na ang unemployment rate sa lalawigan ng Pangasinan kumpara sa nakalipas na taon.

Mula umano sa mahigit pitong posyento ng kaso noong nakarang taon, pumalo nalang ito ngayong taon na anim na porsyento.

Ngunit aminado si Engr. Engracio Bailon, hepe ng DOLE-Central Pangasinan na madalas nagiging problema ang job mismatch sa paghahanap ng trabaho kung saan hindi akma ang tinapos na kurso sa pinapasukang trabaho.

Dahil dito payo ni Bailon sa mga naghahanap ng trabaho na maging competitive upang makahabol sa demand ng labor market.

Speak Your Mind

*