VACC, posibleng maghain pa ng karagdagang kaso sa kalakalan ng droga sa bilibid

Posibleng maghain pa ng karagdagang kaso ang Volunteers Against Crime and Corruption kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.

Ayon kay VACC Chairman Emeritus Dante Jimenez, inisyal pa lamang ang kanilang inihaing kaso laban kay Senador Leila De Lima at pitong iba pa.

Posible umanong magkaroon pa ng supplemental cases at masampahan ng kaso ang iba pang inmate na sangkot sa kalakalan ng droga sa Bilibid.

Dagdag pa ni Jimenez, insulto rin para sa mga biktima ng krimen ang ilegal na kalakalan ng droga at money-making sa bilibid.

Umaasa si Jimenez na magiging mabilis ang pag-usad ng naturang kaso sa DOJ.

Speak Your Mind

*