World titles ng british boxer na si tyson fury, binakante

Binakante ng boksingerong si Tyson Fury ang kanyang World Boxing Organization at World Boxing Association World Titles.

Sa isang statement, sinabi ni Fury na magpopokus siya sa treatment at recovery sa paggamit niya ng droga at iba pang personal na isyu.

Bago nito, umatras din si Fury sa nakatakdang rematch kay Wladimir Klitschko matapos madeklarang “medically unfit”.

Aminado si Fury na gumagamit siya ng cocaine at umiinom ng alak.

Ayon naman sa Hennessy Sports na promotional company ni Fury, binakante nito ang kanyang world titles dahil na rin sa respeto sa boxing at sa WBO at WBA.

Speak Your Mind

*