11 barangay sa Pangasinan, maaabot na sa isinasagawang Kalusugan Karaban

Aabot na sa labing isang barangay ang napupuntahan ng “Kalusugan Karaban” na isinasagawa ng Provincial Government sa pangunguna ni Karina Espino, asawa ni pangasinan Governor Amado “Pogi” Espino.

Ayon kay Dahlia Dumantay, Health Education Promotion Officer ng Provincial Health Office (PHO) ang ika-11 barangay na siyang ika-labing isang bayan rin napupuntahan ng “Kalusugan Karaban” ay ang Brgy. Balangay sa bayan ng Urbiztondo na isasagawa sa biyernes, Nobyembre a-25 ngayong taon.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dumantay na ibat-ibang serbisyo ang handog ng “Kalusugan Karaban” kabilang na ang pagbibigay ng hyposol para maging malinis ang inuming tubig at pagbibigay ollyset rolls sa mga paaralan bilang panguntra sa sakit na dengue.

Hindi rin umano nawawala ang lebring serbisyo gaya ng feeding program, medical at dental activity.

Kasabay nito, nagsasagawa rin umano ang PHO ng pagtuturo sa mga buntis tungkol sa maternal and neo-natal health care, facility-based deliveries, child health, nutrition at family planning.

Speak Your Mind

*