15,000 ektaryang kabundukan sa Pangasinan, natamnan na sa ilalim ng NGP

Halos umabot na sa labin limang libong ektaryang kabundukan ang nataniman ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ayon kay Rose Carmelita Orduna, Planing Officer III ng PENRO-Pangasinan simula ng ipatupad ang National Government ang National Greening Program (NGP) noong taong 2011.

Sinabi pa ni Orduna na nasa isandaang porsyento na nilang natatanimam ang target nilang limang libong ektaryang kabundukan na matamnan ngayong taon, kung saan ang huling nilang pagtatanim ay noong Septyembre 30.

Prayoridad naman umano sa ilalim ng bagong administrasyon na tamnam ang mga lugar na dati nang nataman sa pamamagitang ng programa na Enhance National Greening Program.

Ang tinig ni Rose Carmelita Orduna, Planing Officer III ng PENRO-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*