Dagdag-singil sa kuryente, asahan na umano ayon sa Decorp

Inaasahang na magkakaroon ng dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan ng nobyembre ang mga consumer na nasiserbisyuhan ng Dagupan Electric Corporation (DECORP).

Ayon kay Atty. Randy Castilan, Legal Aide at Spokeperson ng DECORP ang inaasahang pagtaas sa generation charge ay bunsod ng foreign exchange adjusment.

Nabatid na ang nasabing paggalaw ay aabot na P7.00 sa mga konsumer na komukunsumo ng kaba 100kwh.

Kasaby nito, tiniyak naman ng DECORP na sapat pa ang suplay ng kuryente sa Luzon kahit na papalapit ng holiday season.

Ganunpaman, patuloy naman pinapayuhan ang mga konsumer na ugaliin ang pagtitipid sa kuryente.

Speak Your Mind

*