PRO1, nilinaw na naaresto at hindi kusang sumuko sa mga otoridad si Ronie Dayan

Nilinaw ng Police Regional Office 1 (PRO1) na naaresto ng kanilang operatiba si ronie dayan, ang driver, bodyguard, lover ni Sen. Leila de Lima sa lalawigan ng La Union.

Taliwas ito sa sinasabing kusang sumuko si Dayan sa mga otoridad sa Sitio Bato, Brgy. Turod, San Juan La Union bandang alas 11:55 kahapon ng umaga.

Ayon kay Police Chief Superintendent Gregorio Pimentel, Regional Director ng PRO1, ang pagkaka-aresto kay Dayan ay resulta na kanilang mahigit isang buwang tuloy-tuloy na police operation.

Nanidigan si Pimental na hindi sinet-up si Dayan dahil buong pwersa ng La Union PPO, Pangasinan PPO, ang nagtungo sa bundok para arestuhin si Dayan.

Inaresto si Dayan sa bisa ng order of arrest for contempt na inilabas ng Kamara matapos hindi sumipot sa pagdinig hinggil sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison.

Speak Your Mind

*