DepEd, ipinapatupad na “no collection policy” sa mga Christmas Party

Muling nagpaalala ang Department of Education (DepEd) Region 1 sa publiko na mahigpit na ipinatutupad ang “no collection policy” sa pagsasagawa ng Christmas Party.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Darius Nieto, Project Development Officer IV at Information Officer ng DepEd-Region 1 na hindi kasama ang christmas party sa school calendar ng deped kundi christmas break lamang.

Ngunit dahil tradisyunal na aniya ang pagsasagawa ng Christmas Party, isinailalim ito sa guideline at policy ng DepEd kung saan ipinapatupad rito ang “no collection policy”.

Sakali naman umano na napagkasunduan ng mga guro at mga magulang, ito ay dapat gawing voluntary contribution

Sakali umanong may guro na nangulekta ng kontribusyon para sa christmas party na wala sa napagkasunduan ng mga magulang at guro ay maaari itong ireklamo sa deped.

Speak Your Mind

*