31 barangay ng Dagupan City, iniikot ng POPCOM

Mas pinalakas ng City Population Office sa pamamagitan ng pag-iikot sa 31 barangay sa lungsod ng Dagupan ang kanilang program hinggil sa Responsible Parenthood and Family Planing.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dr. Kim Paras, city Population Program Officer IV na regular ang kanilang isinasagawang mother class sa bawat barangay upang ituro sa mga ito na maging responsableng magulang.

Kasama na rin umano rito ang pagtuturo sa mga magulang ng tamang pagpa-plano ng pamilya o pagtuturo sa bawat mag-asawa na makamit ang hustong bilang ng pamilya.

Sinabi naman ni Mary Joy Vinoya, Population Program Officer I na mahalaga na malaman ng mga magulang ang masamang epekto kung maraming silang anak at mabuting benepisyo kung sasailalim sila sa Family Planing.

Tuloy-tuloy naman umano ang isinasagawang information dissemination campaign ng City Population Office upang mas maipaunawa sa mga dagupenyo sa kahalagahan ng Responsible Parenthood and Family Planing.

Speak Your Mind

*