65,000 ektaryang sakahan sa Pangasinan, natatamnan ng mais sa kada second crop season

15171277_1603981342961257_836130743519112513_n

Umaabot sa 65,000 ektaryang sakahan ang natatamnam ng mais sa lalawigan ng Pangasinan sa kada second crop season.

Sa panayam ng sonshine radio, sinabi ni Office of Provincial Agriculture (OPAG) Director Dalisay Moya, na ito ang dahilan kung bakit mataas ang produksyon at maganda ang kalidad ng mais sa Pangasinan.

Malaking bagay din umano ang ibinibigay na tulong ng Provincial Government sa pamumuno ni Gov. Amado “Pogi” Espino III sa mga magsasaka ng mais gamit ang mga makabagong teknolohiya.

 

Naniniwala si Moya na ito ang isa sa dahilan bakit nasungkit ng Pangasinan ang 3rd Nationall Quality Corn Achievers Award.

Sa ngayon, nasa proseso na umano ang lalawigan sa makipag-sabayan sa mga produktong mais ng ibat-ibang bansa kayat mahalaga aniya na mas mapaganda ang quality at production ng mais sa Pangasinan.

——

3rd National Quality Corn Achievers Award, muling nasungkit ng Pangasinan

Muling tumanggap ng pagkilala sa ikatlong pagkakataon ang Office of Provincial Agriculture (OPAG) mula sa Department of Agriculture (DA) bilang National Quality Corn Acheviers Awards.

ito ayon kay OPAG Provincial Director Dalisay Moya, ay ginanap sa Koronadal City, South Cotabato noong Nobyembre 16, 2016 kung saan ang Pangasinan ay isa sa limang probinsya na tumanggap ng nasabing award.

Sinabi naman ni Moya na bukod na natanggap na plake nang pagkilala, ay nakapag-uwi rin ang probinsya ng P3 milyong halaga ng mga proyerto na may kaugnayan Corn Development.

Tiniyak naman ni Moya sa mga magsasaka na ilalagay ang nasabing halaga sa mga proyekto na lalong magpapaunlad sa corn industry ng Pangasinan.

Ang tinig ni Dalisay Moya, ang Provincial Director ng OPAG sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio.


 

Speak Your Mind

*