4 na major public health problem sa Pangasinan, tinututukan ng DOH-Region 1

Apat na “major public health problem” ang tinututukan umano ang Department of health (DOH) Regional Office 1 sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inilahad ni Benjamin Castillo, Spokesperson ng DOH-Region 1 sa isinagawang Kapinsan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP Forum sa lungsod ng Dagupan.

Inihayag ni Castillo na una, ito ang tumataas na maternal death o ang mga namamatay sa panganganak sa Pangasinan, pangalawa ay ang mataas ding kaso ng teenage pregnancy o mga kabataan na maagang nagbubuntis

Pangatlo sa tinututukan ng DOH-Region1 ay ang nakakabahalang kaso ng rabies at ang pang-apat ay ang kaso ng leptospirosis.

Inisa-isa naman ni Castillo ang mga dahilan ng pagtaas ng naturang kaso sa lalawigan

Batay sa tala ng DOH, pumalo na sa 32 ang kaso ng maternal death sa Pangasinan mula buwan ng Enero hanggang October, habang labing walo ang namatay sa leptospirosis at labing apat ang namamatay sa kaso ng rabies.

Speak Your Mind

*