Anak ni Jericho Rosales, walang balak na sundan ang yapak ng ama sa showbiz

Walang balak ang anak ni Jericho Rosales na sundan ang yapak ng kaniyang ama.

Ayon sa kinse anyos na si Santino Rosales, hindi niya gustong pumasok sa showbiz.

Mas gusto daw ng binatilyo na ituloy ang kaniyang career sa football at subukan ang modelling.

Masaya naman daw si Santino na suportado ng kaniyang mga magulang ang anumang gustuhin niya.

Kahit naman na lumaki sa piling ng inang si Kai Palomares, maganda naman daw ang father-and-son relationship ni Santino at Jericho.

Speak Your Mind

*