AUTOPRO-Pangasinan Chapter, tiniyak na walang dagdag singil sa pasahe

Kasabay sa mahigit pisong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, tiniyak ng Alliance of United Transport Organizations Province-Wide (AUTOPRO) Pangasinan Chapter na wala silang hiling na dagdag singil sa pasahe.

Ayon kay Benny Aquino, President ng AUTOPRO-Pangasinan Chapter na inaasahan na nila ang pagtaas sa presyo ng krudo sa pagpasok ng malamig ng panahon.

Bukod pa aniya rito ang pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar na malaking epekto sa preyuhan ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Ganumpaman, sinabi ni Aquino na hindi pa napapanahon ang kahilingan na dagdag pasahe ng ilang mga jeepney driver dahil kailangan din umano nilang isaalang-alang ang kapakanan ng mga pasahero.

Speak Your Mind

*