BFP-Dagupan, nagpaalala sa publiko sa paggamit ng cristmas lights

Nagpaalala na ang Bureau of Fire Protection o BFP-Dagupan sa publiko para maiwasan ang sunog gamit ang mga cristmas lights.

Ayon kay F/Insp. Romie Tungpalan, Officer-in-Charge ng Dagupan City BFP na mataas ang porsyento ng pagkakaroon ng sunog ang mga nag-over heat na mga appliances bunsod ng electrical over loading.

Dahil dito, ipinapayo ni tungpalan na huwag hayaang nakasaksak ng magdamang ang cristmas lights at mas mabuting gumamit ng mga LED Lights.

Dapat siguraduhin na may import commodity clearance (ICC) stickers ang biniling christmas ligths upang matiyak na hindi ito depektibo na posibleng pagmulan ng sunog.


BFP-Dagupan, maagang nagpaalala sa mga nagbabalak magtinda ng mga paputok

Ilang linggo bago ang selebrasyon ng pasko at bagong taon, maagang nagpaalala ang Bureau of Fire Protection o BFP-Dagupan para sa mga gustong magtinda ng paputok.

Ang unang hakbang aniya bago makakuhan ng permit ay dumalo sa mga isinasagawang  training ng PNP at BFP, upang maiwasan ang pagkakaroon ng sunog.

Iginiit pa ni F/Insp. Romie Tungpalan, OIC Dagupan City BFP na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtitinda ng walang kaukulang permit, kasali mang mahuhuli ay maaring kumpiskahin ang tindang patupok.

Pinag-iisapan naman na bfp kung muling ipapatupad ang fire craker zone sa Dagupan lalot mapapansin ngayon ang pag-kunti ng mga nagtitinda at bumibili ng paputok kada taon.

Malaking putos umano sa pagkunti ng interesado sa paputok ang posibleng pagpapatupad ng fire craker ban sa buong bansa gaya ng ipinapatupad sa lungsod ng davao.

Speak Your Mind

*