Blood donation ng Dagupan City Blood Coordination Council, tuloy-tuloy

Tuloy-tuloy ang isinasagawang blood donation ng Dagupan City Blood Coordination Council (DCBCC) para makalikom ng mas maraming suplay ng dugo.

Isasagawa ito sa Nobyembre a-28 ngayong taon, ganap na alas nuebe ng umaga hanggang alas singko ng hapon sa CSI The City Mall sa Lucao District, Dagupan City.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Derick Dawis, DILG Officer ng Dagupan na handa ang lahat ng mga barangay official sa dagupan na sumuporta sa blood letting activity ng DCBCC.

Inaasahan naman na aabot sa mahigit tatlong daang mga blood donors ang makikiisa sa proyekto dahil sa pangako ng mga Brgy. Officials na sampu katao sa kada barangay ang buluntaryong magbibigay ng dugo.

Speak Your Mind

*