“Blood Mo, type ko, Free Ito”, ipinapatupad sa Dagupan para sa pangangalap ng dugo

Kasalukuyang ipinapatupad ng City Government ng Dagupan ang “Blood Mo, Type Ko, Free Ito” isang program sa ilalim ang pamamahala ng City Health Office (CHO).

Ito ayon kay Jose Patawaran, Medical Technologist ng CHO ay bilang bahagi sa binuong Dagupan City Blood Coordination Council kung saan layon nito na makahikayat ng mas maraming blood donors.

Sinabi ni Patawaran na sa pamamagitan ng programa, mayroon nang central data base ang CHO mula sa 31 barangay ng dagupan ng mga blood donors at kanilang blood type.

Sa ganitong paraan ay mas magiging madali na aniya ang pagkuha ng dugo kung sakali mang nakaroon ng aksidente o pangangailangan sa dugo dahil sa sakit na dengue.

Sa ngayon, labing isang barangay na sa lungsod ng natatapos na puntahan ng CHO para sa kanilang isinagawang blood type at data base.

Speak Your Mind

*