Christmas break, tinututukan ng DepEd para maiwasan ang sunog sa mga paaralan

Tinututukan ngayon ng Department of Education (DepEd) Regional Office I na maiwasan ang pagkakaroon ng sunog sa mga paaralan lalo na sa paparating na christmas break.

Ito ang inihayag ni Darius Nieto, Project Development Officer IV at Information Officer ng DepEd-Region 1 sa panayam ng DZRD Soshine Radio.

Sinabi pa ni Nieto na mahigpit ang paalala ng DepEd sa mga guro at school principal na bago ang christmas break ay siguraduhin muna na walang maiiwang nakasinding ilaw at christmas lights.

Nabatid na kalimitan na nagiging sanhi ng sunog ang pagkakaroon ng foulty electrical wiring o mga naiiwang nakasinding christmas light.

Base aniya sa tala ng DepEd Region I sa mga nakaraang taon, umaabot na sa pitong paaralan sa Pangasinan ang nasunugan kayat ito ang kanilang iniiwasan na muling mangyari.

Speak Your Mind

*