Comelec, muling nagpaalala sa publiko sa nagpapatuloy voters registration

Personal nang nag-iikot ang Commission on Election o Comelec – Dagupan mga himpilan ng radyo at iba pang institusyon upang maipaabot sa publiko ang nagpapatuloy na voters registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) eLection 2017.

Ito ayon kay Atty. Ericson Oganiza, Election Officer ng Dagupan City ay dahil kakaunti parin ang mga nagpaparehistrong mga botante sa kanilang tanggapan partikular na ang mga kabataan.

Apela pa ni Oganiza sa publiko na huwag nang hintayin ang deadline registration sa Abril a-29 sa susunod na taon bago dumagsa sa tanggapan ng Comelec para magparehistro.

Hanggang maaari aniya ay magtungo na sa kanilang tanggapan ang lahat ng mga new voters, edad 18 pataas at SK voter edad 15-16 taong gulang para magparehistro.

Nagbibigay serbisyo rin ang Comelec sa lahat ng mga botante na may problema sa kanilang rehistro gaya sa mga hindi nakaboto ng dalawang beses at ang mga hindi nakapag-validate.

Speak Your Mind

*