Community Base Training Program ng TESDA sa mga drug surrendirees, dumarami na

Marami na umanong mga lokal na pamahalaan sa pangasinan katuwang ang Philippine National Police (PNP) ang nakikipag-ugnayan sa Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) para sa pagsasagawa ng skill training sa mga drugs surrenderies.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio sinabi ni Genevive Sanchez, Admininistrative Officer ng TESDA-Pangasinan na isa na rito ang isinasagawang basic welding sa mga drug surrendiries sa lungsod ng San Carlos.

Nakapaloob umano ito sa Community Base Training Program ng TESDA kung saan ang mga materyales ay sagot ng Local Government Unit (LGU’S).

Mayroon din umanong aircon maintenance training sa bayan ng Laoac para sa mga sumukong sangkot sa ilegal na droga kung saan ito naman ay sa ilalim ng Bottom-Up Budgeting (BUB).

Bukod dito, tuloy-tuloy din umano ang kanilang isinasagawang training sa mga inmates sa mga BJMP gaya ng basic computer operation, hair cutting at iba pa.


Barangay Skill Mapping ng TESDA-Pangasinan, patuloy na isinasagawa

Patuloy ang isinasagawang skill mapping ng Technical Education and Skills Development Authority (tesda) sa mga barangay sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Genevive Sanchez, Administrative Officer ng TESDA-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan ang barangay skill mapping isang programa na nakatuon sa grass roots area.

Ayon pa kay Sanchez, sinuyod ng TESDA hanggang sa mga liblib na lugar sa tulong mga Barangay Captain at mga paaralan upang matukoy kung sino ang mga prayoridad na mabigyan ng training ng TESDA.

Binigyang diin ni Sanchez na mahalaga ang kusang loob ng mga estudyante na sumailalim sa training ng tesda upang hindi      masayang ang panahon, pagod at pondo ng gobyerno.

Ang tinig ni Genevive Sanchez, Admin Officer ng TESDA-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine radio.

Speak Your Mind

*