Cong. Celeste, masaya sa pagkikita nila ni pangulong Duterte

Masaya si unang distrito Kongresman Jesus “Boying Celeste sa pagkikita nila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang sa send-off ceremony ng labing pitong Vietnamese fishermen sa bayan ng Sual, Pangasinan.

Ayon kay Celeste, walang siyang sama ng loob sa Pangulo lalot lumabas naman aniya ang katutuhanan sa mga isinagawang imbestigasyon na hindi siya sangkot sa iligal na droga.

Sinabi pa ng kongresista na hindi narin kailangan ng humingi sa kanya ng sorry ang Pangulo dahil masaya na siyang nalinis ang kanyang pangalan matapos mapabiling sa narco-politics na pinangalan ni Duterte.

Kasabay nito, mananatili naman umano ang suporta niya sa pangulo sampung ng mga opisyal ng unang distrito ng Pangasinan sa kampanya ni Pangulong Duterte kontral ilegal na droga.

Naniniwala naman si Celeste na ang mga taong nasa likod na pagkakadawit niya sa narco-politics ay siya ring nasa likod ng mga nagturo at nagsangkot sa ilegal ng droga sa dating gobernador at ngayong kongresman ng ika-limang distrito na si Cong. Amado T. Espino III.

Speak Your Mind

*