DA-Region 1, host region sa 13th National Organic Agriculture Congress

Pangungunahan ng Department of Agriculture (DA) region 1 bilang host region ang gaganaping ika-13th National Organic Agriculture Congress na gaganapin sa Laoag City.

Ayon kay Dr. Marvin Quilatez, Regional Organic Agriculture Focal Person ng DA-Regional Field Office 1 (RFO1) sa unang pagkakataon ay magsisilbing host ang Region 1 sa National Organic Agriculture Congress.

Sinabi pa ni Quilatez sa panayam ng Sonshine Radio na tatalakayin sa nasabing congress ang slow food ganun din ang sharing of technology, at pagkakaroon ng cook fest competition.

Inaasahan naman na dadalo sa nasabing congress na gaganapin sa Nobyembre 23 hanggang 25 sa Plaza Del Norte, Laoag City ang tinatayang nasa 2,000 organic growers mula sa ibat-ibang rehiyon sa buong bansa.

Nabatid na target ng pamahalaan sa ilalim na pamumuno ni Agriculture Secretary Manny Piñol na maabot sa hanggang limang porsyento ng farmlands area sa buong bansa na maging organic farms.

Speak Your Mind

*