Dagdag-singil sa presyo ng gasolina, muling ipinatupad

Panibagong dagdag-singil sa presyo ng kada litro ng gasolina ang ipinatupad ng mga kompanya ng langis simula ngayong araw.

Sampung sentimo sa presyo ng kada litro ng gasolina ang idinagdag habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene.

Nauna ng nagpatupad ng oil price hike ang Flying V at Seaoil alas dose uno kaninang hatinggabi.

Habang alas sais naman ngayong umaga ang dagdag-singil ng Shell at PTT Philippines.

Speak Your Mind

*