DOLE-Central Pangasinan, nagpaalala sa pagbibigay ng 13th month pay

Muling nagpaalala na ang Department of Labor and Employment (DOLE) Central Pangasinan sa mga employer hinggil sa tamang pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.

Apela pa ni Engracio Bailon, District Officer ng DOLE-Central Pangasinan na sana huwag nang hintayin pa ng mga employer ang cut-off date na December 24 bago magbigay ng 13th month pay.

Dapat umanong ibigay ng mas maaga ang 13 month pay sa kanilang mga manggagawa upang ito naman ay mapakinabangan sa panahon ng kapaskuhan.

Nabatid na nakasaad sa Presidential Decree 851 na lahat ng empleyado ay may karapatang makatanggap ng 13th month pay, liban lamang sa mga manggagawang binabayaran lamang sa pamamagitan ng commission o cash basis.

Gayunman depende naman sa mga kompanya kung bibigyan ang mga ito ng christmas bonus sa kanilang mga empleyado.

Samantala, obligasyon naman umano ng mga kumpanya na magsumittee ng report sa DOLE na nagpapatunay na nagbigay sila ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.

Speak Your Mind

*