DOST-Pangasinan, patuloy ang pagtulong sa mga negosyante na nasa MSMES

Tuloy-tuloy ang isasagawang pagtulong ng Department of Science and Technology (DOST) Pangasinan sa mga negosyante na nasa micro, small and medium enterprises (MSMES).

Ito ayon kay Alexa Apostol, Science Research Specialist ng DOST-Pangasinan, ay sa pamamagitan ng kanilang isinagawang food safety assesment sa mga food proccessor sa pangasinan.

Ang hakbang na ito aniya ay para maturuan ng mga maliliit na negosyante na maayos ang kanilang production area upang sa ganun ay madaling nakakuha ng application sa Food and Drug Administration (FDA).

Kabilang din umano rito ang pagtuturo ng tamang packaging and labeling, training and workshop to enhance human resources, at paggawa ng website na magagamit nila sa kanilang marketing strategy.

Kasabay nito, hinihikayat naman ang maliliit na mga negosyante ng magparehistro sa Small Enterprises Technology Upgrading Program (SETUP) ng dost upang sa ganum ay magkaroon sila ng financial assistance para sa quipment at machinery na magagamit nila sa kanilang production facility.

Speak Your Mind

*