DTI, kinumpirma na walang masyadong pagtaas sa presyo ng mga bilihin

Binigyang diin ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ang kahalagahan ng kanilang Online Price Monitoring System (OPMS) o “e-presyo” sa monitoring sa presyo ng bilihin.

Ito ay sa harap ng inaasahang maagang pamimili ng publiko para sa nalalapit na selebrasyon ng kapaskuhan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Marjury Loresco, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan, madaling mamonitor kung may pagkakaiba sa Suggeted Retail Price (SRP) sa presyo ang mga retailer at kanilang supplier.

Inihayag naman ni Loresco na walang masyadong pagtaas sa presyo ng mga bilihin ngayong taon dahil sa gumagandang lagay ng transportasyon, at magandang palitan ng piso kontra dolyar.

Ang tinig ni Marjury Loresco, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*