First birthday ni Baby Zia, gagawing simple lang

Nagdesisyon ang aktor na si Dingdong Dantes na gawing simple lang subalit makabuluhan ang selebrasyon ng first birthday ng Unica Eja nila ng aktres na si Marian Rivera.

Paliwanag ni Dantes, hindi pa maa-apreciate ni Baby Zia ang isang engrandeng birthday party.

Dahil dito, nagpasya ang mag-asawa na sila lang na magkaka-pamilya ang magse-celebrate sa unang kaarawan ni Baby Zia bukas, araw ng miyerkules.

Ang mahalaga aniya, ay malaman ni Baby Zia sa mga darating na taon na kompleto ang buong pamilya sa kaniyang first birthday celebration.

Speak Your Mind

*