Free Anti-rabies vaccination, kasama sa isinasagawang “Kalusugan Karaban”

Kasama rin sa isinasagawang “Kalusugan Karaban” ng provincial government ang Provincial Veterinary Office para sa pabibigay ng free anti-rabies vaccination sa mga alagang hayop.

Ito ayon kay Rachell Zarate, Health Education Promotion Officer ng PHO ay dahil sa nakaka-alarmang pagtaas ng kaso ng rabies sa pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Zarate na umabot na sa labing apat ang bilang nang namatay dahil sa rabies.

Hinikayat naman ni Zarate ang publiko na sakaling makagat ng alagang aso ay agad na magpaturok sa alinmang Animal Bite at Treatment Center sa Pangasinan.

Nagbabala naman si Zarate na sakaling makagat ng aso ay iwasan na magpatandok dahil ito ang madalas na dahilan ng mga namamatay sa kaso ng rabies.

Speak Your Mind

*