Ilang aktibidad ng Dagupan City Fiesta, nasasaksihan sa de Venecia Expressway

Itatampok at masasaksihan ng publiko ang ilang mga aktibidad ng Dagupan City Fiesta sa De Venecia Expressway.

Kabilang na rito ang pagsasagawa ng Paseo De Belen, Barangay Trade Fair, at Carnival.

Sa Paseo de Belen, pagsasamahin sa iisang lugar ang mga pambatong Belen ng kada Barangay taliwas na nakaugalian na sa kani-kanilang barangay ito naka-display.

Ayon kay Dagupan City Councilor Dennis Canto, Hermano Mayor ng Dagupan City Fiesta, muling magkakaroon ng Carnival na ilalagay sa de Venecia Expressway na magdaragdag atraksyon sa lugar.

Isa umano sa layunin ng paggamit ng De Venecia Expressway para na naturang aktibidad ay upang makabawas sa masikip na daloy ng trapiko sa central distrist ng Dagupan.

Speak Your Mind

*