Ipo-ipo, isa sa kalamidad na madalas tumama sa Bayambang ayon sa MDRRMO

Pagtama ang ipo-ipo ang isa ng kalamidad na madalas tumama sa bayan ng Bayambang Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Genevive Benebe, Administrative Officer ng Municipal Disaster Risk Reduction Office (MDRRMO) Bayambang sa panayam ng sonshine radio.

Ayon kay Benebe, ang madalas na pagtama ng ipo-ipo sa bayan ng Bayambang ang nangunguna sa kanilang listahan na disaster management and contingency plan.

Nilinaw naman ni Benebe na hindi naman buong bayan ng Bayambang ang tinatamaan ng ipo-ipo, kundi ito ay naitatala sa ilang mga barangay lang.

Ngunit kailangan parin umano nila itong pag-aralan dahil ang pananalasa ng ipo-ipo ay posibleng magbulot ng pinsala sa mga ari-arian.

Samantala, maliban sa ipo-ipo, ang pagbaha dala ng pag-apaw ng Agno River ang isa rin sa tinutugunan ng MDRRMO Bayambang kung saan maraming barangay din ang naaapekuhan.

Speak Your Mind

*