Jessy Mendiola at Luis Manzano, masaya at peaceful raw ang relasyon

Peaceful.

Ganito inilarawan ni Jessy Mendiola ang relasyon nila ng kaniyang rumored boyfreind na si Luis Manzano.

Ayaw na rin daw magpaapekto ni Jessy sa mga negative comments sa kaniya at sa paratang na siya ang third party kaya nasira ang relasyon ni luis kay Angel Locsin.

Ayon kay Jessy, ang mahalaga at masaya sila ni Luis at nasasalag aniya ng saya na yun ang mga negatibong isyu na binabato sa kanila.

Una namang sinabi ni Jessy na bukas siya sakaling maging magkaibigan sila ni Angel sa hinaharap.

Speak Your Mind

*