Jodi Sta. Maria, bigong masungkit ang best actress award sa Emmys

Bigong masungkit ng kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria ang best actress award sa 44th Annual International Emmys sa New York City.

Tinanghal na best actress si Christiane Paule ng Germany.

Si Jodi ay isa sa mga nominado sa nasabing kategorya matapos ang kanyang pagganap bilang amor powers sa teleseryeng “Pangako Sayo”.

Maliban kay Paule, nakalaban din ni Jodi sa nasabing award sina Judi Dench at Grazi Massafera.

Rumampa naman si Jodi suot ang long white gown na dinesign ni Mark Bumgarner sa red carpet sa New York.

Speak Your Mind

*